sketches

Bumoto na parang…

Image

Bumoto na parang…
malinis at mapayapa ang halalan
walang bumibili o nananakot para sa iyong boto

Bumoto na parang…
babasahin nng PCOS machine ng tama ang iyong balota
itatala ng sistema ng tama ang bawat numero

Bumoto na parang…
bawat pinili ay gagawa ng mahusay
bawat nai-shade ay kakatawan sa nakararami

Bumoto na parang…
walang mass midya na humuhubog ng iyong opinyon
walang SWS o Pulse Asia na kumukundisyon sa iyong isip

Bumoto na parang…
ito ang huling pagkakataon para sa magandang bukas ng ating mga anak
ito ang pinaka-makabayang tungkulin na nakataas sa atin

Bumoto…
sapagkat may pag-asa
sapagkat may mabuting pipiliin

Bumoto…
dahil nariyan si Teddy Casiño
dahil may boses tayong karaniwang tao.

Leave a comment